Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR balik MECQ `pag pumalpak mga mayor

0 392

Nasa kamay ng mga mayor ang magiging kapalaran ng National Capital Region sa susunod na dalawang linggo kung muling ibabalik o hindi sa modified enhanced community quarantine (MECQ) status ito.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na napakiusapan nina National Task Force on COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. at Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año si Pangulong Rodrigo na panatilihin muna sa general community quarantine (GCQ) ang NCR sa kabila ng mataas na kaso ng COVID-19 infection nitong mga nakalipas na araw.

Nangako aniya ang mga mayor sa Metro Manila na mas paiigtingin pa nila ang lockdown sa mga nasasakupan nilang mataas ang mga kaso ng COVID-19 infection gayundin ang pagpapatupad ng rapid test, tracing, at pagpapagaling sa mga tatamaan ng COVID-19.

“Kung wala pong pagbabago sa numero at magiging pabaya ang mga tao, posibleng bumalik po ang Metro Manila sa MECQ,” ani Roque.

Katunayan, sinabi ng kalihim na muntik ng maging MECQ ang Metro Manila matapos irekomenda ng mga eksperto kay Pangulong Duterte na dapat higpitan muli ang lockdown pero kinonsidera ang pakiusap ng mga mayor. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.