Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR, CALABARZON no. 1 sa mga walang dyowa

0 51

Nangunguna ang National Capital Region (NCR) at CALABARZON sa may pinakamaraming single o walang dyowa ngayong Valentine’s Day.

Sa survey ng Philippine Statistics Authority, 5.03 milyon ang single ng CALABARZON o Region 4A habang nasa 4.9 milyon naman ang mga single sa Metro Manila.

Pumangatlo ang Region 3 kung saan umaabot sa 3.8 milyon ang mga single o walang dyowa ngayong Araw ng mga Puso.

Ang Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) ang isa sa naitalang maraming mapagmahal o kakaunti ang single.

Samantala, base sa survey ng PSA, mas marami pa rin ang mga lalaki kung ikukumpara sa mga babae. Lumalabas na mayroong 118:100 ang ratio ng lalaki sa babae. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.