Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR COVID level 2 inawat ng eksperto

0 124

Kinontra ng isang eksperto ang pahayag ng OCTA Research na maaari ng ibaba sa alert level 2 ang Metro Manila sa kalagitnaan ng Nobyembre.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Dr. Edsel Salvaña, Director ng UP Institute of Molecular Biology and Biotechnology na hindi puwedeng ura-urada ang pagtatakda ng alert level kahit pa bumababa na ang COVID cases sa Metro Manila.

“Dahan-dahan po tayo, hindi puwedeng basta sasabihin mo ‘sige buksan na natin ‘yan!’”. We need to be very careful.Kailangan po natin pag-aralan ‘yan, alam naman natin na very dynamic ang ating IATF sa pagtingin ng numbers, hindi lang ‘yung nakikita sa data graph,” ani Dr. Salvaña.

Mahalaga rin aniyang ikonsidera ang report ng Metro Mayors dahil sila ang higit na nakakaalam sa datos at galaw ng kanilang mga nasasakupan.

Binigyang-diin pa ni Salvaña na kailangan ang mas malalalim na analysis bago magdesisyon para masiguro ang kaligtasan ng publiko at para hindi na bumalik sa dating karanasan na biglang pagtaas ng mga kaso. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.