Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR, Davao, Calabarzon episentro ng pandemya

0 171

Apat na rehiyon ang binabantayan ng OCTA Research dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Guido David, matuturing na COVID-19 epicenter ang mga rehiyon ng Davao, Calabarzon, Central Luzon, at National Capital Region (NCR).

“Ang epicenters ngayon nasa Metro Manila, Davao, and Calabarzon. Nandoon pa rin ‘yun sa Quezon, nakikita natin tumataas pa ang kaso. Sa Central Luzon, actually kasama din ‘yan, dahil tumataas sa Bulacan, at saka sa Pampanga,” saad ni David.

Nanawagan naman si Prof. Ranjit Rey sa gobyerno na ayusin ang komunikasyon o pagbibigay impormasyon dahil posibleng muling tumaas ang bilang ng mga kaso sa mga susunod na linggo. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.