Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR granular lockdown maraming negosyo bukas – DTI

0 63

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na magsisimula na sa Miyerkoles, Setyembre 8, ang pilot testing ng granular lockdown sa Metro Manila.

Sa isang pahayag nitong Sabado, sinabi ni Año, matapos isagawa ang pilot testing ay kanilang isasailalim ito sa ebalwasyon at saka magbibigay ng kaukulang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte para maaprubahan.

Unang inanunsiyo ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang pagpapatupad aniya ng granular lockdown sa Metro Manila simula Setyembre 8 dahil mas makabubuti ito para sa ekonomiya.

Sa ilalim kasi aniya ng granular lockdown, mas maraming negosyo ang papayagang magbukas subalit magpapatupad pa rin ng istriktong safety protocol laban sa COVID-19.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Linggo na dadaan pa sa pag-apruba ni Pangulong Duterte ang granular lockdown sa Metro Manila.

“New quarantine responses [are] still for approval of [President Duterte],” mensahe ni Roque sa mga Malacañang reporter. (Dolly Cabreza/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.