Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR inalerto sa 6K virus case kada araw

0 229

Dapat maging handa ang National Capital Region (NCR) at taasan pa ang COVID-19 testing sa 60,000 kada araw bagamat nakapagtatala na sa bansa ng mababang kaso ng virus, ayon sa pahayag ni Dr. Guido David ng OCTA Research Team nitong Linggo.

Sabi ni David, bumaba sa 18% o 3,000 kada araw nitong mga nakaraang araw ang mga kaso ng COVID-19 infection sa Metro Manila.

Subalit nagbabala ito na kailangang doblehin ang COVID testing capacity sa NCR kapag sumirit uli ang mga kaso at makapagtala ng 6,000 kada araw.

SM food to go Banner Ad

“We should be prepared to increase the test. If we prepare for future surges our testing capacity should be at least doubled if we have 30,000 capacity then maybe 60,000 will be enough for NCR for future surges,” giit David.

Subalit umaasa naman umano si David na bababa ang positivity rate ng COVID-19 sa 15% sa susunod na dalawang linggo kung magpapatuloy ang kasalukuyang trend ng pagbaba nito.(Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.