Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR lockdown bumaba sa 192 lugar

0 66

Mula sa 233 ay bumaba na sa 192 ang mga lugar sa National Capital Region (NCR) na nasa ilalim ng granular lockdown, ayon sa datos na inilabas ng Philippine National Police (PNP) kahapon.

Sa update ng PNP, ang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown ay naiulat na nasa 125 barangay sa Metro Manila. Kabilang umano dito ang 126 bahay, 29 residential building floors, 23 kalye at 14 subdibisyon.

Aabot naman sa 647 pulis at at 691 force multiplier ang ikinalat sa mga lugar na nasa granular lockdown.

Matatandaang nauna nang sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, chairperson ng Metro Manila Council, na tama lang na magsagawa ng lockdown sa isang bahay o isang palapag ng condominium building sakaling may isang residente na nagpositibo sa COVID-19.

Ipatutupad naman ang lockdown sa isang kalye sakaling magkaroon ng dalawa o higit pang kaso ng COVID sa lugar.

Nagdesisyon na ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na palawigin pa ang pagpapatupad ng granulac lockdown sa NCR hanggang Oktubre 15. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.