Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR maraming virus infection pa rin

0 148

Patuloy na nangunguna ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamaraming kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Batay ito sa COVID-19 Case Bulletin No. 201 ng Department of Health (DOH) nitong alas-kuwatro ng hapon ng Sabado, Oktubre 10.

Sa inilabas na datos ng DOH, may 2,249 bagong kaso ng COVID ang naitala dahilan para umakyat sa 336,926 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Inanunsiyo rin ng DOH na may 842 ang nakarekober sa sakit dahilan para umabot sa 276,094 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID.

Sa mga bagong kaso ay 1,951 ang naitala mula Setyembre 27-Oktubre 10 kung saan pinakamarami pa rin sa NCR na 549 kasunod ang Region 4A o Calabarzon, 446; at Region 6,250.

Nadagdagan naman ng 87 kaso ang bilang ng mga nasawi kaya umabot na sa 6,238 ang namatay sa sakit.

May 89 duplicate ang tinanggal sa kabuuang kaso kung saan 17 ay nakarekober at isang namatay ang inalis.

Samantala, may 34 kasong unang naitala na nakarekober subalit nakumpirmang nasawi pala matapos isailalim sa validation. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.