Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR mawawalan ng karneng baboy sa price cap – SINAG

0 256

Nagbabala si Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Rosendo So na posibleng mawalan ng supply ng baboy ang Metro Manila kung magpapatupad ng price cap.

Sa panayam ng ‘Diskusyon’ sa Abante Radyo Tabloidista, sinabi ni So na malaki ang tyansa na walang magbenta ng baboy sa Kamaynilaan kung hindi kakayanin ng mga trader ang presyong itatakda ng gobyerno.

“Magkakaproblema ang Metro Manila… kasi itong mga farm naman ay nagbebenta, ang problema baka ang mga trader hindi bumili kasi hindi kaya ang presyo,” lahad ni So.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matatandaan na inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na posibleng pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order para magkaroon ng price cap sa baboy dahil sa taas ng presyo nito na umaabot na sa P300 pataas ang kada kilo, dulot ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

“Yung mga area, baka hindi mag-ship dito sa Metro Manila, kasi poproteksyunan na lang ‘yung province nila. Kagaya nung Cebu nabalita namin na hindi na magshi-ship sa Metro Manila or other places,” aniya pa.

Para kay So, hindi aniya dapat umano inanunsyo na may kakulangan sa supply ng baboy dahil kaya pa naman ng mga hog farmer sa probinsya na matugunan ang pangangailangan sa baboy.

“Kasi kung tutuusin, dapat wala namang shortage, ang nangyari lang is tumaas ‘yung presyo. Pero kung nag-aannounce si Secretary na may shortage, syempre mga province natatakot, ang gagawin nila hindi magshi-ship,” saad pa ni So. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.