Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR may COVID herd immunity sa Nov – Galvez

0 220

Target ng gobyerno na magkaroon ng herd immunity mula sa COVID-19 sa Metro Manila at 6 na karatig lalawigan sa Nobyembre.

“Ang target naming we can have herd immunity in NCR, plus 6 provinces around NCR, by November,” ayon kay Galvez na head rin ng National Task Force Against COVID-19.

Inihayag ni vaccine “czar” Carlito Galvez Jr. alinsunod ito sa gagawing vaccination strategy sa bansa.

Ayon sa World Health Orhanization (WHO) ang Herd immunity ay direct protection mula sa isang infectious disease na nangyayari kapag ang populasyon ay naging immune dahil sa vaccination o immunity na developed sa dating infection.

Sinabi ni Galvez na makakaranas sa kakulangan ng vaccine supply ang Pilipinas dahil 30 milyon doses ang manggagaling sa India.

Dumaranas umano ng second wave infection ang India na umabot na sa 20 milyon kaso ng COVID-19 dahilan para bumagsak ang kanilang health system. (Juliet de Loza-Cudia/Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.