Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR namumuro sa balik-GCQ

0 60

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagpapatupad ng granular lockdown sa lockdown sa National Capital Region (NCR) simula sa Setyembre 8, Miyerkoles, ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.

Inihayag ng kalihim nitong Sabado na isinasapinal na lamang ang mga guideline pero nilinaw nito na ang mga itinuturing na COVID-19 hotspot lamang ang isasailalim sa granular lockdown habang ang ibang lugar ay mananatili sa general community quarantine (GCQ).

“Granular lockdowns will allow some more jobs to be back, those outside the hotspot areas,” batay sa mensahe ni Lopez.

Idinagdag pa ng kalihim na ang mga lugar na isasailalim sa granular lockdown ay hindi naman buong barangay.

Maaaring ipatupad na lang aniya ang granular lockdown sa mga magkakatabing bahay o lugar kung saan may mga kaso ng COVID.

Gayunman, nasa pinal na desisyon pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte kung aaprubahan ito bagama’t nauna nang inutos nito sa kanyang `Talk to the People’ noong Huwebes ng gabi na repasuhin ang implementasyon ng community quarantine sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga COVID case. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.