Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR naranasan pinakamalamig na temperatura mula Nobyembre

0 41

Naitala sa Metro Manila ang pinakamalamig na temperatura mula noong Nobyembre, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Umabot kasi sa 19.3 degrees Celsius ang lamig dito alas-singko ng umaga.

Pero bukod sa Metro Manila, nakaranas din ng malamig na panahon ang Baguio City, na 9 degrees Celsius habang sa Benguet ay bumagsak pa sa 7.9 degrees Celsius.

Ang malamig na panahon ayon sa Pagasa ay dulot ng hanging amihan na posibleng tumagal hanggang huling linggo ng Pebrero o ikalawang linggo ng Marso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.