Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR pinako sa alert level 2

0 94

Mananatili sa alert level 2 ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa hanggang sa Disyembre 15, 2021.

Inanunsiyo ito ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles matapos na aprubahan aniya ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) kahapon ang rekomendasyon na isailalim ang National Capital Region (NCR) sa alert level 2.

Ayon kay Nograles, tanging ang lalawigan ng Apayao ang inilagay sa alert level 3 na magsisimula sa Miyerkoles, Disyembre 1.

Samantala, ipinaubaya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa IATF ang desisyon kung gagawing mandatory uli ang pagsuot ng face shield sa harap ng banta ng Omicron variant ng COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kanyang pulong sa mga medical expert at mga opisyal ng National Task Force Against COVID-19, sinabi ng Pangulo na nagbibigay ng karagdagang proteksiyon laban sa coronavirus ang pagsusuot ng face shield.

“I would suggest to the Task Force to make a statement whether or not really to pagdating itong Omicron,” sabi ng Pangulo.

“In the meantime, prudence would dictate, maybe, we’ll be strict again. Kayong Task Force, you have to sort it out whether we reimpose the shield kasi nakakadagdag talaga (ito ng proteksyon),” aniya pa.

Sa ngayon, ang pagsusuot ng face shield ay para na lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 5 gayundin sa mga ospital at iba pang medical facility. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.