Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR pinako sa alert level 3 ng mga mayor

0 138

Inanunsiyo kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagkasundo ang mga alkalde sa National Capital Region na panatilihin ito sa alert level 3 bagama’t patuloy na tumataas ang mga kaso ng COVID-19.

Sa kabila nito, sinabi ni MMDA chairman Benjur Abalos Jr. na nakahanda ang mga alkalde na itaas sa alert level 4 ang Metro Manila sakaling kailanganin na gawin ito.

Sa ngayon aniya, may bahagya lang na pagtaas ng mga kaso sa NCR kaya mananatili pa ang rehiyon sa alert level 3.

SM food to go Banner Ad

“We are consistently monitoring the region’s HCUR (healthcare utilization) rate and we assure that the NCR mayors are ready in case the metrics show the need to escalate Metro Manila to alert level 4,” ani Abalos.

Base aniya sa kanilang monitoring, napapansin nilang kusang hindi lumalabas ng kanilang tahanan ang mga tao, kaunti rin ang nasa mall at maluwag ang daloy ng trapiko. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.