Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR Plus posibleng ilagay sa ordinary GCQ

0 13

Posibleng mag-level down ang community quarantine sa NCR Plus sa susunod na linggo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na binabantayan ng mga eksperto at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang mga numero ng COVID cases sa Metro Manila at mga kalapit-lalawigan na dati ay mayroong mataas na bilang.

“Based on the figures, Metro Manilla Plus might be looking at de-escalation. It might not be MGCQ but it could be to ordinary GCQ because ang GCQ po natin ngayon ay mayroon pang mga restriction,” ani Roque.

Ang NCR Plus ay binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.