Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR posibleng GCQ pa rin

0 141

Malamang na manatili pa rin sa general community quarantine ang National Capital Region (NCR), ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Sa panayam kay Año sa radyo, sinabi nito na karamihan umano sa mga alkalde sa Metro Manila ay gustong manatili pa muna ang GCQ.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi rin ng kalihim na base umano sa presentasyon ng technical working group sa data analytics nang magpulong sila noong Huwebes ay lumalabas sa mga datos na kailangang manatili pa sa GCQ ang Metro Manila.

Subalit hindi pa naman pinal ito dahil sinabi ng kalihim na magpupulong pa ang mga Metro Manila mayor at mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases nitong Linggo ng gabi para mapag-usapan ang magiging klasipikasyon ng community quarantine sa Metro Manila pagpasok ng Oktubre 1.

Leave A Reply

Your email address will not be published.