Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR protektado vs COVID sa Nobyembre – Abalos

0 115

Kumpiyansa si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos na makakamit ng National Capital Region (NCR) ang population protection laban sa COVID-19 pagsapit ng Nobyembre ngayong taon.

Ito’y dahil inaasahan umano ng gobyerno na sisirit na sa 15 milyong katao ang nabakunahan na laban sa COVID-19 pagsapit ng Agosto.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa Department of Health (DOH), ang population protection ay isang paraan para mapababa ang bilang ng mga namamatay at naospital sa pamamagitan ng pagbabakuna.

Iginiit ni Abalos na kailangang mabakunahan ang anim hanggang walong milyong katao sa Metro Manila para makamit ang population protection laban sa COVID-19 sa NCR pgsapit ng Nobyembre 27 ngayong taon. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.