Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR quarantine pag-uusapan ng mga mayor

0 121

Magpupulong ang Metro Manila Council (MMC) upang pag-usapan ang magiging status sa National Capital Region (NCR) pagkatapos ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Agosto 18.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivares, ang kanilang pagpupulong ay kung ibabalik na sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila subalit nasa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) pa rin aniya ang pinal na rekomendasyon sa Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Olivares, sa kabila nang bumabagsak na ekonomiya ay hindi naman nararapat na isakripisyo ang kalusugan ng kanilang mga constituent at kailangan mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.