Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR top 1 pa rin sa COVID

0 71

Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) o Metro Manila sa may pinakamaraming naitatalang kaso ng COVID-19 sa buong bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Base sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 175 nitong alas-kuwatro ng hapon ng Sabado, Setyembre 5, nasa 234,570 na ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nagpositibo sa virus matapos na madagdagan ito ng 2,529 pa.

Nabatid na sa mga bagong kaso ng COVID, nasa 1,171 ang naitala sa NCR, kasunod ang Negros Occidental na may 197 bagong kaso, 145 sa Laguna, 117 sa Cavite, at 70 sa Bulacan.

Nakapagtala naman ang DOH ng 1,136 na bagong gumaling mula sa COVID-19 kung kaya’t nasa 161, 668 na kabuuang bilang ng mga nakarekober sa naturang sakit sa buong bansa.

May 53 katao naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 kung kaya’t umakyat sa 3,790 ang namatay sa sakit na ito.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.