Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCRPO chief nag-leave, ‘snatcher’ ng CP humalili

0 177

Tatlong araw na nag-file ng leave of absence simula ngayon (Agosto 20) si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Debold Sinas para umano sa kanyang annual medical check-up.

Pansamantalang humalili kay Sinas na nag-medical leave ang kanyang opisyal na naging kontrobersyal matapos na manghablot ng cellphone ng reporter na nagko-cover ng Pista ng Nazareno sa Quiapo sa Maynila, noong January 9 ng taong kasalukuyan.
“Nonetheless, I will continuously monitor the activities and operations of NCRPO from time to time,” paniguro naman ni Sinas.

Itinalaga ni Sinas, na naging kontrobersyal din sa mañanita o birthday serenade, bilang OIC sa NCRPO si Brig. Gen. Nolasco Bathan, na kaniyang deputy regional director for operations.

Magugunitang inakusahan ng GMA-7 reporter na si Jun Veneracion si Bathan ng ‘snatching’ nang hablutin ang gamit niyang cellphone sa coverage sa parada ng Itim na Poong Nazareno at sinasabing dinelete o binura ng opisyal ang kaniyang kuha sa video. (Edwin Balasa/Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.