Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCRPO kasado na sa ika-5 SONA ni Duterte

0 380

Nakahanda na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa anumang maaring maging scenario sa nalalapit na ikalimang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay NCRPO Director Police Major General Debold Sinas, naka-template na ang kanilang deployment katulad noong mga nakaraang SONA sakaling mag-speech ang Pangulo sa House of Representatives.

“We are considering everything naman and in coordination ng sergeant at arms ng house of representatives,” pahayag ni Sinas sa isinagawang press briefing sa Camp Karingal sa Quezon City.

“So far ongoing ang preparations and we are waiting for the final scenario kung saan po mag deliver ng speech si president, however ang preparation ng NCRPO ay kagaya ng dati, yung scenario 1 na si Presidente ay pupunta po sa house of representatives ay naka ready po kami pag may bagong guidance ay adjust po namin yung security preps po namin, ” dagdag nito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.