Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NDF exec, 1 pa todas sa Surigao

0 231

Patay ang isang mataas na opisyal ng National Democratic Front (NDF) Komisyon Mindanao (KOMMID) na may patong sa ulo na aabot sa P6 milyon, gayundin ang isang kasama nito.

Kinilala ang napatay na si Alvin Loque alyas ‘Joaquin Jacinto’ tagapagsalita ng NDF-KOMMID. Ayon kay Maj. Gen. Andres Centino, Army 4th Infantry Division commander, napatay din ang hindi pa nakikilalang kasama nito sa ginawang raid ng mga sundalo sa isang beach resort sa Tandag City, Surigao del Sur, Huwebes ng madaling-araw.

Pinasok ng pinagsanib na puwersa ng pulis at militar mula sa 401st Brigade at Special Forces, ang resort na matatagpuan sa Purok Milion, Brgy. San Agustin Sur.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Magsisilbi sana ang mga operatiba ng dalawang warrant of arrest, para sa pagpatay, kidnapping at serious illegal detention laban kay Loque, pero nagpaputok ito ng baril laban sa kanila.

Bumunot naman ng hand grenade ang kasama ni Loque kaya binaril din. Narekober ang caliber-.45 pistol at ang fragmentation hand grenade.

Nakuha rin ang dalawang 500 rounds ng ammunition para sa AK-47 rifles, isang 40-millimeter explosive, blasting cap, battery, firing mechanism para sa improvised explosive, mga watawat ng New People’s Army, at ibang dokumento. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.