Abante Tonite Interactive

Ndiaye, TIP lalaklakin uli ang Black Mamba

196

Mga laro ngayon: (Paco Arena, Manila)

1:30 p.m. – BRT Sumisip Basilan-St. Clare* vs Hyperwash

3:30 p.m. – TIP* vs Black Mamba

*May 2x-to-beat advantage

Walang sasayanging pagkakataon si Papa Ndiaye at ang Technological University of the Philippines sa pagsalpok sa Black Mamba mamayang alas-3:30 ng hapon sa 9th PBA D-League Foundation Cup quarterfinals sa Paco Arena sa Maynila.

Second seed ang Engineers at kargado ng twice-to-beat advantage kontra Energy Drink, pero may halos

Isang buwan lang na namahinga nang daigin ang Alberei nitong August 19, 105-95, na nagpapaaligaga kay Potit de Vera.

“We’ve played some tune-ups during the break so I don’t think it will be an issue,” ani ang TIP coach na aasahan din bukod sa Senegalese big man ang twin towers niyang sina Bryan Santos at Ivan Santos.

“Handa naman ang players natin and they know what’s at stake,” wakas niya.

Paghihimagsik naman ang nasa kukote ni coach Vis Valencia sa muling pagkrus ng landas makaraang tambakan sila sa eliminations nitong Aug. 15, 110-99.

“Dapat 3-0 kami noon but we fell short,” ani Valencia bilang pakita ng handang bumawi sa nakaraang pagkakatalo. (Aivan Danzel Episcope)