Abante Tonite Interactive

Ndiaye, TIP niligpit ang Alberei

198

Kahit kakagaling sa hamstring injury pasiklab si Papa Ndiaye ng 37 points at 18 rebounds upang pangunahan ang TIP Engineers sa pagpalupasay sa Alberei Kings, 105-95, sa 9th PBA D-League Foundation Cup eliminations main game Lunes ng gabi sa Ynares Sports Arena, Pasig.

‘Di rin nagpahuli ang mga inasahan rin ni coach Potit de Vera na sina Bryan­ Santos na may double-double 28 markers­ at 11 boards, at Ximone Sandagon na naka-12 puntos para makuha ng team twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

“We always have to go all out and I just want to keep on doing that,” aniya pa.

‘Di sapat ang kinayod na tig-20 pts. nina Jonathan Parreno at Jomari Lacaste Santos sa pagsadlak ng 0-4.

Pumukpok naman ng 17 pts. si Eloy Poligrates para akayin ang Marinero Pilipino (4-0) sa playoffs sa pagtaob sa Asia Lashe’s Tomas Morato (2-2), 73-51.

At nagbuslo ng 48 points si JR Cawaling para sa Hyperwash (2-2) na hinilamusan ang McDavid La Salle Araneta (0-3), 144-138. (Aivan Denzel Episcope)