Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NDRRMC nag-sorry sa alert warning

0 274

Humingi ng paumanhin ang isang opisyal ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa reklamo na nakagugulat o nakababahalang alert tone na natatanggap ng publiko sa kanilang mga gadget.

“May nakarating po sa amin dito na mga kababayan natin na nagrereklamo daw po at naaabala dahil sa mga alert warnings natin,” pahayag ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal.

SM food to go Banner Ad

“Ako na po ang humihingi ng dispensa at pag-unawa sa mga kababayan natin sa bagay na ito. Nasa batas po [Republic Act No. 10639 o The Free Mobile Disaster Alerts Act] na dapat mabigyan ng babala ang ating mga kababayan sa pamamgitan ng text message sa panahong may nakaambang panganib sa kanilang pamayanan,” dagdag nito.

Sinabi ni Timbal na ginagawa lamang nila ang obligasyon ng NDRRMC na magbigay kaalaman at babala sa publiko sa panahong may kalamidad. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.