Abante Tonite Interactive

Neal Bainto bagong deputy spokesperson ng DOJ

226

Para alalayan at gabayan si Spokesman at Undersecretary Mark Perete, nagtalaga ang Department of Justice (DOJ) ng pinakabagong deputy spokesperson.

Sa Department Order No. 491 na inisyu ni Justice Secretary Menardo Guevarra, inatasan ng kalihim si Assistant Secretary Neal Vincent M. Bainto na i-assist si Perete sa anumang isyu na may kaugnayan sa kagawaran ng hustisya.

Responsibilidad din ni Bainto na punan ang posisyon ni Perete sa sandaling mag-leave o lumiban ito sa trabaho.

“Assistant Secretary Neal Vincent M. Bainto has been appointed DOJ Deputy Spokesperson,” ani Perete.

“The foregoing tasks shall be in addition to the current duties and responsibilities of Assistant Secretary Bainto,” ayon naman kay Guevarra.

“This Department Order shall take effect immediately, and remain effective until otherwise revoked,” dagdag nito.

Si Bainto at Perete ay kapwa naitalaga sa DOJ nitong Hulyo 2018.

(Lorraine Gamo)