Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NEDA chief kontra na unahin mga retailer sa vaccination

0 62

Tutol si Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua na maisama sa COVID-19 vaccine priority list ang mga retailer.

Aniya, “Maganda na iyong ating prioritization program. We start with the frontliners sa health and those providing public service, then the most vulnerable — the senior citizens, the poor people, followed by the general population, so I think we have a coherent plan. This plan, I think, is the one that will help everyone move forward.”

Kaugnay ito sa pagsulat kamakailan ng Philippine Retailers Association kay Health Secretary Francisco Duque III upang hilingin na maisama rin ang mga nagtatrabaho sa frontline retail sector sa mga prayoridad bakunahan dahil madalas din umanong lantad ang mga ito sa publiko. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.