Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NEDA diskarte sa taas-presyo ng pagkain: Imported pork pabahain sa palengke

0 85

Presyo ng baboy at hindi ng langis ang sinisisi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua sa pagtaas ng inflation rate sa bansa.

Si Chua rin ang director general ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Sa pagharap ni Chua sa isang media forum kahapon, wala itong binanggit tungkol sa epekto ng sumisirit na presyo ng langis sa bansa na walong linggong sunod-sunod nang tumataas ngunit inamin ng kalihim na nababahala na ang administrasyon sa inflation o ang bilis na pagmahal ng presyo ng mga bilihin.

“We are very concerned about our inflation rate,” sabi ni Chua. “During a pandemic when income is reduced, we do not want people to be hit twice with higher inflation.”

Bago ang pandemya ng COVID-19, nasa 2 hanggang 3% lamang ang inflation rate sa bansa ngunit umakyat na ito at malapit na sa 5%, sabi ni Chua.

“The major reason for that is just one product. It is the supply of pork,” sabi ni Chua.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Marami na ang nanawagan na isuspinde ng pamahalaan ang koleksyon ng excise tax sa mga produktong petrolyo tulad ng gasolina at krudo dahil halos P20 kada litro na ang inakyat ng presyo nito sa nakaraang dalawang buwan.

Sabi ni Chua, papayagan na ng pamahalaan ang pagbebenta ng mga imported pork sa labas ng Metro Manila para bumaba ang inflation sa ibang mga lugar at maramdaman din doon ang nangyaring pagbaba ng presyo ng mga bilihin.

“We are recalibrating our policy to allow more of the imported pork…that is our focus at this time,” sabi ni Chua. (Eileen Mencias)

Samantala, nagbabala ang isang grupo sa sektor ng agrikultura na posibleng magkaroon ng P20 taas presyo sa kada kilo ng karne sa palengke dahil na rin sa sunod-sunod na price increase sa langis.

“Sa tingin ko, tataas pa `yan. This coming week baka another P20. So, P40 itong buwan na ito,” sabi ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) president Rosendo So.

Kayat hirit ng grupo sa pamahalaan na bawasan o `di kaya ay tuluyan nang alisin ang excise tax para bumaba ang presyo ng petrolyo.(Eileen Mencias/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.