Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NEDA: Mga mall lugi sa kawalan ng kabataan

0 215

Tinukoy ni Socioeconomic Planning Acting Secretary Karl Kendrick Chua ang pagbabawal sa mga magulang na mamasyal at kumain sa mga mall kasama ang kanilang mga anak bilang isa sa mga dahilan ng pagsadsad ng ekonomiya ng bansa ngayong pandemya.

Ayon kay Chua, 36% ng populasyon ng bansa ay binubuo ng mga kabataang edad 18 pababa at sila ang madalas na kasama ng kanilang mga magulang sa pamamasyal at pagkain sa mga mall.

Lumitaw din sa 2018 Family Income and Expenditure Survey (FIES) na ang mga pamilyang may tatlong miyembro ang bumubuo sa 90% ng mga gumagastos ng hindi naman kailangan ng kanilang pamilya.

Gayunman, bumaba ng 51% ang mga nagtutungo sa mall ngayong panahon ng pandemya dahil sa mga ipinatutupad na community quarantine.

Ayon sa mga namamahala sa mga mall at fast-food chain sa bansa, ang 32 hanggang 50% ng kanilang kita ay nagmumula sa bulto ng mga pamilyang tumatangkilik ng kanilang mga produkto at serbisyo.

Katunayan, ang 43% na kita sa mga fast-food chain ay mula sa mga pagkaing pambata.

Samantala, nananatili umano sa P700 milyon kada araw ang nalulugi sa mga taga-Metro Manila dahil sa pananatili ng general community quarantine.(Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.