Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NEDA naalarma sa virus, binawasan pasok ng staff

0 372

Maging ang National Economic and Development Authority (NEDA) na pinamumunuan ni Socioeconomic Planning Acting Secretary Karl Kendric Chua ay naghigpit na rin sa kanilang mga empleyado para iwas hawa sa COVID-19.

Inabisuhan ng NEDA ang mga tinuturing nitong `noncritical staff’ na sa bahay muna magtrabaho bilang pag-iwas sa pagkalat ng virus.

Nangungunga ang NEDA sa pagtulak na buksan na ang ekonomiya kahit pa kaunting porsiyento pa lang ng populasyon ang naturukan ng bakuna kontra COVID.

Hindi sinabi ng NEDA kung ilan ang kaso ng COVID-19 positive sa kanilang tanggapan at kung ilan ang mga suspected case o mga nakahalubilo ng mga nagpositibo.(Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.