Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NEDA: P23K lugi kada worker sa pandemya

0 325

Lugi ng halos P23,000 sa taunang sahod ang mga manggagawa dahil sa pandemya, ayon kay acting National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Kendrick Chua.

Ito ayon sa opisyal ay katumbas ng P2.8 bilyon araw-araw na nawawala sa ekonomiya.

Sinisi ni Chua sa quarantine restrictions kung bakit umurong ang ekonomiya ng bansa.

Aniya, nabawasan ang paggastos ng mga pamilya ng P801 bilyon noong 2020 o ang katumbas ng P2.2 bilyon araw- araw.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Malaking bahagi ng ekonomiya ang ginagastos ng mga tao.

Ang tinatawag na private consumption ay katumbas ng 70% ng ekonomiya kaya’t malaki ang inurong nito nang nabawasan ng 7.2% ang ginastos ng mga tao.

Sabi ni Chua, limitado ang magiging pag-ahon ng ekonomiya dahil sa quarantine.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, umurong lahat ng sektor ng ekonomiya. Lumiit ang agrikultura ng 2.5%, ang industriya ay umurong ng 9.9% at ang services ay bumagsak ng 8.4%.

Sa kabuuan ay pumalo sa P1 trilyon ang nawala sa ekonomiya ng bansa noong 2020 dahil sa quarantine kaya’t umurong ito ng 9.5%, ang pinakamalalang performance simula nang itala ng pamahalaan ang datos nung 1946. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.