Abante Tonite Interactive

Negatron butata kina Anne,Erwan

411

Sana, lahat ng mga kumukuda at palagiang may pangmalakasang hanash sa social media, umarte naman na naayon sa kanilang ganda.

 

‘Yung iba kasi kung pumutak akala mo talaga concerned citizen of the Philippines at ­kapuso, kapamilya o kadugo ng mga artista.
Pansin na pansin na ang daming arf-arf-arf ng mga nakakainis­, nagmamalinis pero marumi rin naman kay Anne Curtis dahil sa kanyang mga mapangahas na katauhan sa “Just a Stranger”.


May kuda na dapat daw unahin ni Mrs. Erwan ­Heussaff ang magka-anak kesa ginawa niya ang Jason Paul Laxamana movie.


Ang hanash na dahil may asawa na siya, dapat ­isaalang-alang ni Anne ang damdamin ng ­kanyang asawa­ at respetuhin ang katotohanan na may damdamin­ rin itong tiyak ay nasasaktan.


At hindi na raw kailangan pa ni Curtis ang ­pelikulang may kontrobersyal na cougar and cub story arc kasi she is already a superstar in her own right.
Ang emote ni Anne sa mga pasaway na ito: “­Angelina Jolie did Original Sin. Diane Lane did Unfaithful, Demi Moore did Indecent Proposal. As an actress if a script falls in my lap that I love, I will do it and take on that role.”


Pinangalawahan naman ni Erwan ang kanyang asawa:­ “Hilarious comments. Last I checked, I’m the husband and I know how I feel (which is completely fine by the way thanks for asking). So need to throw words aroud like disrespect and dictate what a person should or shouldn’t do after getting married. I’ve known my wifde as an actress, since day 1 and I have the ­utmost admiration for what she does. End of the story, I don’t feel awkward or uncomfortable when ­watching these movies (you guys commenting make it ­awkward), I actually gave Anne inputs when I read the script on how I think the story could be developed or portrayed. So, let’s stop talking marriage like it needs to change people. Most successful marriages I know are those where both parties kept their identities intact and grew as a couple. Also, let’s not be sexist people. If this was a married guy actor doing love scenes, no one would have any issue with it.”


Spell BUTATA, bashers and haters ni Anne. Nawa’y nauunawaan niyo ang pahayag ng mag-asawa lalo na nga’t best in English ang mga ito.



Jasmine napagkamalang makeup artist

 

Knowing kung gaano ka-good natured at level headed si Jasmine Curtis Smith, tiyak ikikibit balikat lang nito o kaya dadaanin sa matamis na ngiti ang chika mula sa isang professional photographer na pinagkamalan siyang isang makeup artist.


Ang kuwento, ang photog, hindi raw familiar sa mga artista kaya too late na noong mapag-alaman niyang ang dalagang pinagkamalan niyang makeup artist ay isang mahusay at magandang artista pala. Magugulat na lang minsan ang photog kapag napagtanto­ niya na sikat pala ang celebrity na kinunan niya.


Dahil nga sa kanyang maling akala, naka-apat na beses na daw silang nag-photoshoot ni Bb. Smith at ang reaksyon palagi nito sa kanya, parang hindi siya kakilala. Deadma is written all over her beautiful face tuwing sila ay may photo shoot. She is less than cordial pero hindi siya binabastos at tapos kung tapos ang pictorial with devastatingly beautiful results.


Ito namang si photog, may hinampo ka pa yata kay Jasmine eh ikaw nga ang unang nag-isip na hindi artistahin ang beauty niya. Sa true lang tayo palagi, karamihan sa mga makeup ­artist o ang mas bonggang tawag na glamour technician, mapa-bakla o totoong babae ay talaga namang magaganda.


Ilang beses kong nakita at naka­sa­­lamuha si Jasmine na walang makeup at all noong nasa “Culion” set visit kami, maganda talaga ang dalaga at walang pores sa face. Hindi nagmamantika at mas lalong hindi naglalapot.


Kaya kung hindi namukhaan ni photog, hindi na kasalanan ni Bb. Smith ang drama niyang hindi siya ­familiar sa mga artista. Hindi naman kaya ang photog ang hindi mukhang photog kaya may drama siyang ganiyan? Ang insecurity sa sarili, ang laki-laki, huh!