Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NegOr councilor tinumba sa garahe

0 225

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga suspek na sakay ng motorsiklo si Sta. Catalina, Negros Oriental councilor Rhode Anthony Vulfa Melodia kahapon.

Sa inisyal na ulat, hinuhugasan ng biktima ang kanyang kotse sa bahay nito sa Brgy. Poblacion, alas-7:10 ng umaga, nang dumating ang dalawang motorsiklo sakay ang mga suspek na agad binarily si Melodia.

Nadala pa ito sa ospital pero binawian ng buhay. Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng .45 caliber. Iniimbestigahan pa ang motibo sa krimen. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.