Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Negosyante, 2 pa dinagit sa Batangas

0 196

Hinihinalang dinukot ng hindi pa nakikilalang salarin ang isang negosyante at dalawang kasama nito habang nagde-deliver ng mga paninda sa Batangas noong Sabado.

Sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ang puting delivery van ng mga biktima sa liblib na lugar sa Barangay Mahabang Dahilig sa Lemery subalit nawawala ang tatlong sakay.

Kinilala itong sina Jalal Mamailao, 28, tubong Mindanao; pamangkin nito na si Asnor Acmad, 23 at tindera na si Cherry Mae Causapin, 23, pawang taga-Barangay 3, Balayan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa mga kaanak, umalis ang tatlo noong Sabado ng umaga sa kanilang bodega para mag-deliver ng panindang RTW clothes at mga tsinelas sa bayan ng Taal at Lemery. Mula noon ay di na nakabalik ang tatlo.

Base sa track ng GPS na nakakabit sa sasakyan, nakitang nagpapa-ikot-ikot ang van sa mga lugar ng Lemery at Taal hanggang sa huminto sa lugar kung saan ito inabandona. Wasak na ang GPS ng van nang ito ay madiskubre.

Sa follow up operation, may nakapansin umano sa tatlo na magkahiwalay na isinakay sa dalawang hindi natukoy na sasakyan. Magkasama sina Causapin at Acmad at sa isang sasakyan si Mamailao.

Patuloy ang follow-up investigation ng mga pulis at inaalam ang motibo sa pagdukot. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.