Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Negosyante, 2 pa kinalawit sa P3M shabu

0 92

Tinatayang mahigit sa P3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa pagkakaaresto sa tatlong hinihinalang tulak sa isinagawang buy-bust operation sa isang subdibisyon sa Bacoor City, Cavite, Huwebes ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Marvin Espiritu, alyas ‘Barron’, 30, isang negosyante ng Palico, Imus City; John Paul Reyes, alyas ‘Kuya’, 26, isang delivery rider ng Panapaan 1, Floraville Subdivision, Bacoor City; at Christine Bautista Alvaran, alyas ‘Nanay’, 25, ng Talisayan, Sampaloc 4, Dasmariñas City.

Sa ulat ni P/SMSg. Robertson Vallejo ng Bacoor City Police, dakong alas-3:10 kamakalawa ng hapon nang ikinasa ng Bacoor City Police at PDEA-NCR ang buy-bust sa harapan ng 90’s Craving Store sa loob ng Floraville Subd. sa Panapaan 1, Bacoor City.

Dumating ang mga suspek sakay ng isang Toyota Avanza at nakipagtransaksiyon sa poseur buyer na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Narekober umano mula sa kanila ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P3,400,000 at nakita sa loob ng kanilang sasakyan, isang ignition key, isang Vivo cellphone, tatlong ID, at boodle money. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.