Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Negosyante, 2 pa todas sa aksidente

0 87

Patay ang driver at dalawa pang sakay ng isang delivery jeep matapos itong ay sumalpok sa kongkretong poste sa gilid ng national highway sa Calamba City, Laguna, Martes ng madaling araw.

Kapwa dineklarang dead on the spot sina Rhyan Aldea, 45, driver ng jeep at pahinateng si Arnold Moreno, 33.

Dead on arrival naman sa ospital ang negosyanteng babaeng si Penny Manalo Britania, 45, na siyang nagmamay-ari ng jeep at ng mga kargang itlog ng manok.

Batay sa report ng pulisya, galing sa Batangas ang jeep at magde-deliver ng itlog sa Calamba at Cavite nang mawalan ito ng preno sa national highway sa Barangay Real, Calamba City, alas 2:00 ng madaling araw.

Dahil matulin, tuluyang nawalan ng kontrol ang driver hanggang sa sumalpok sa poste. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.