Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Negosyante binantaan, nagpasaklolo sa general

0 159

Hiniling ng isang prominenteng negosyante kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Valeriano T. De Leon ang agarang proteksyon ng kanyang pamilya laban sa mga taong may banta sa kanilang buhay.

Ang takot at pangamba na maaring kasapitan niya at ng kanyang mga anak sa kamay ng `di kilalang salarin ang nagtulak kay Jeffrey S. Dizon para humingi ng tulong sa pulisya kahapon.

Sa isang kalatas na ipinadala ni Dizon sa mga kasapi ng Pampanga Press Club, hiniling nito na kung maari ay ipaabot sa kaalaman ni De Leon ang kanyang kalagayan at ng pamilya nito.

SM food to go Banner Ad

Aniya, ang naturang banta ay nagdulot sa kanyang pamilya ng mga gabing hindi makatulog sa takot.

Sa record ng pulisya nagsimula ang banta sa kanila nitong Pebrero.

Sa police blotter, unang naitala ang bigong pagtangka sa buhay ni Dizon noong Pebrero 29, 2020.

Ang pangalalawa ay naitala sa police blotter ng Angeles City police noong April at ang pangatlo ay nitong Nobyembre 7, 2020. (Rudy Abular)

Leave A Reply

Your email address will not be published.