Abante Tonite Interactive

Negosyante binaril sa mukha sa Quezon

By
1,523

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang negosyante ng buy and sell na binaril sa mukha ng isang armadong suspek sa Barangay Lita, Tayabas City, Quezon kamakalawa ng umaga.

Batay sa imbestigasyon ng Tayabas City police, bandang alas-10:00 ng umaga, habang nasa loob ng car display room ang biktimang si Alejandro Obciana Rapadas, 46-anyos nang mula sa likuran ay lumapit ang suspek na nakasuot ng helmet at itim na jacket.

Binaril nito nang isang beses ang biktima na tinamaan sa mukha.

Agad na tumakas ang suspek matapos ang pamamaslang sakay ng isang motorsiklo.

Sa follow-up operation, nabawi ng mga awtoridad sa Barangay Wakas, Tayabas City ang motorsiklong ginamit ng suspek subalit wala na ang salarin.

Patuloy pa ang im­bestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari at sa motibo ng pamamaril.