Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Negosyante binaril sa subdibisyon

0 62

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite Police hinggil sa pagkamatay ng isang 53-anyos na negosy­ante matapos na malapitang barilin ng hindi nakilalang suspek habang naglalakad sa loob ng subdibisyon sa Trece Martires City, Cavite, Biyernes ng umaga.

Kinilala ang napatay na si Leo Extinado, namama­hala ng isang Liquified Petroleum Gas refilling station at residente ng Barangay Osorio, Trece Martires City.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas dala ang baril na ginamit sa pagpatay.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:15 kamakalawa ng umaga nang mangyari ang insidente kung saan naglalakad sa loob ng Summer Fleld Subdivision si Extinado nang bigla na lamang lumitaw ang suspek, nilapitan ang biktima at walang sabi-sabing binaril siya sa ulo na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Ayon kay P/Lt. Col Jose Junar Alamo, hepe ng Trece Martires City Police, business rivalry ang isa sa mga tinitingnan nilang anggulo sa pagpatay.

“Meron na rin kaming ‘person of interest’ pero sa ngayon, ayaw pa naming sabihin para hindi masira sa imbestigasyon,” dagdag niya. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.