Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Negosyante dinukot sa Laguna

0 285

Dinukot ng mga hindi nakilalang kalalakihan ang isang negosyante sa Calamba City, Laguna, noong Sabado ng umaga.

Ayon sa report ng Calamba City Police, nakatayo sa harap ng kanyang bahay sa Pamana Homes, Brgy. Bucal ang biktimang si Wilbrodo Maiquez, 40, nang lumapit ang isa sa mga suspek.

Nagtanong ito kung magkano pinapaupahan ng biktima ang kanyang katabing bakanteng lote. Kasunod nito, biglang dumating at huminto ang dalawang sasakyan at nagsibabaan ang lima pang kalalakihan.

Sapilitang isinakay ang biktima sa isa sa mga sasakyan na pulang Toyota Innova na may plate number NBJ5887 at mabilis na humarurot papalayo kasunod ang isa pang sasakyan na FB type vehicle na hindi naplakahan.

Nagpalabas na ng alarma ang Calamba Police para sa dalawang sasakyan at patuloy ang isinsagawang imbestigasyon para matukoy ang dahilan ng pagkidnap sa biktima. Nakikipag-ugnayan na rin ang mga awtoridad sa Land Transportation Office para matunton kung sino ang may-ari ng sasakyan. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.