Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Negosyante guilty sa tarantula smuggling

0 246

Wagi ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kasong isinampa nito laban sa wildlife trader na nasa likod ng illegal shipment ng mahigit sa 700 piraso ng buhay na tarantula na nasabat sa Ninoy Aquino International Airport noong isang taon.

Base sa pitong pahinang desisyon na inilabas nitong Nobyembre 20 ni Judge Allan B. Ariola ng Pasay City Metropolitan Trial Court Branch 48, si Jesse Camaro ay napatunayang nagkasala sa iligal na pagbiyahe ng 757 piraso ng tarantula na tinatayang may halagang P310,900 at customs duties at taxes na P54,752.

SM food to go Banner Ad

Si Camaro ay napatunayang nagkasala sa paglabag sa RA 9147 o Wildlife Conservation and Protection Act. Makukulong ito ng anim na buwan at magmumulta ng P20,000. Pinagmumulta rin ito ng halagang P100,000 dahil sa paglabag sa RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, ang desisyon ng korte ay nagpapatunay lamang na epektibo ang departamento sa pagbibigay ng hustisya sa mga kaawa-awang wildlife species. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.