Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Negosyante naatrasan ng trak, todas

0 70

TODAS ang isang babaeng negosyante matapos maatrasan ng nakaparadang pick-up truck sa Barangay Manlocboc, Aguilar, Pangasinan noong kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Aida Reyes, 55, ng nasabing barangay.

Sa report ng Aguilar Police Station (APS), nakatayo umano si Reyes sa harap ng gate ng kanilang bahay nang biglang umatras ang nasabing truck at tinamaan ang negosyante.

Sinabi ng APS, pataas ang bahagi ng daanan sa bahay ng biktima at maaaring hindi kumagat ang handbrake ng sasakyan kaya umatras ang trak at sinalpok ang biktima.

Ayon sa APS, kakasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide ang may-ari ng trak. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.