Abante Tonite Interactive

Negosyante namudmod ng bitamina, medical equipment sa frontliners

0 361

Personal na namamahagi ng tulong gaya ng mga bitamina at mga pagkain sa mga ‘frontliners’ si Ramit Chamdal, ang chairman at managing director ng ‘equation financing’ sa Quezon City at ilang lugar sa Metro Manila.

Nitong Biyernes ay namahagi ng umaabot sa 100,000 vitamins, at 2,000 food packs araw-araw sa mga frontliners si Chamdal, di lamang sa mga pulis at militar na nakatalaga sa mga checkpoints kundi maging sa pamilyang nasa lansangan naninirahan sa Quezon City.

Bukod sa mga bitamina at pagkain, nagbibigay din si Chamdal ng mga face masks, personal protective equipment (PPE), alcohol at iba pang mga kinakailangan ng mga frontliners.

“On this pandemic situation, vitamins, PPE, face masks, alcohols must be for charity not for own monkey business. We must help each other to reduce the infectious spread of the virus. Never blame government or politicians they are doing their best risking their lives to save yours,” pahayag ni Chamdal.

“Why not be a good example and help as much as could you, 3x a day you eat reserve the 2 meals for 2 needy and homeless its more than enough to save someone dying from hunger,” dagdag pa niya.

Nabatid na ang pamamahagi ng ‘food packs’ ay personal na ginagawa ng chairman at managing director ng equation financing sa pamamagitan nang pag-iikot niya sa lungsod. Ng Quezon City, Bulacan, Rizal, at mga siyudad ng Metro Manila at hanggang Pampanga. (Dolly Cabreza)

Tonite – Wendys Inhouse Ad