Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Negosyante nangangamba sa posisyon ni Mayor Vico

0 339

Nangangamba ang isang Filipino-Chinese businessman matapos ang nag-viral na pakikipagtalo kay Pasig City Mayor Vico Sotto kaugnay sa nakahambalang na crane sa kalsada na umanoy ikinagalit ng alkalde.

Ayon kay Selwyn Lao, malalim ang kanyang dahilan sa nangyaring insidente at nagulat na lang siya nang sumugod ang kampo ng alkalde at pinaaalis ang crane na sinasabing nagsasagawa ng demolisyon na hindi dumaan sa tamang proseso.

Sinagot ni Lao ang akusasyon na nagsagawa siya ng demolisyon na walang anumang papeles subalit nilinaw nito na pinayagan niyang magtayo ng bahay ang isa niyang tauhan gamit pa ang materyales ng kumpanya ngunit laking gulat nito nang nalaman niyang pugad na ito ng mga drug addict.

Nagawa naman umanong isumbong ni Lao ang pangyayari sa barangay.

Pinasinungalinga din nito ang sinasabing balak niyang mamerhuwisyo sa lugar.

Ayon pa sa negosyante, hindi siya kontra kay Pasig City Mayor Sotto subalit nangangamba siya sa kanyang mga tauhan na gumagapang nang patalikod na tiyak na labag sa alkalde. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.