Abante Tonite Interactive

Negosyante niratrat sa kotse

261

Nasawi ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng mga naka-bonnet na gunmen habang nakasakay sa kotse sa Alaminos, Laguna Biyernea ng hapon.

Natadtad ng tama ng bala at patay na nang idating sa ospital ang biktimang si Mark Anthony Castro, 41, residente ng Brgy. San Juan.

Batay sa report ng pulisya, ang biktima ay pinagbabaril alas-5:10 ng hapon habang nasa passenger seat ng Honda City na minaneho ng
babaeng driver na si Neslyn Garcia habang tinatahak ang Calabarzon road na patungong Lipa.

Nag-overtake ang sasakyan ng mga suspek sa Brgy. Sta. Rosa at hinarangan ang kotse ng mga biktima.

Bumaba ang mga gunman na nakasuot ng itim na long sleeve at bonnet at saka niratrat ang passenger side ng kotse gamit ang mahabang kalibre ng baril.

Agad ding tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Lipa.
Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang pangyayari. (Ronilo Dagos)