Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Negosyante pinaliguan ng bala

0 267

Utas ang isang negosyante sa Tacurong City matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Kinilala ang biktima na si Glenn David Tranquellero.

Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng isang pick-up truck at nasa Barangay EJC Montilla ang 40-anyos na biktima nang dikitan ng magkaangkas sa motorsiklo at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na baril.

SM food to go Banner Ad

Nagawa pa umanong magmaneho ng biktima papuntang detachment ng mga sundalo at humingi ng tulong.

Agad naman itong itinakbo sa pagamutan ngunit binwawin din ng buhay.

Iniimbestihagan ngayon ng kapulisan ang pamamaslang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.