Abante Tonite Interactive

Negosyante swak sa P90M estafa

0 501

Kalaboso ang isang negosyante at opisyal ng Rotary Club International nang madakip sa isang five star hotel dahil sa kasong estafa kamakalawa sa Pasay City.

Kinilala ni Police Col. Segundo Lagundi Jr., hepe ng Las Piñas City Police ang akusadong si Johnny Gaw Yu, 48, isang Filipino citizen, taga-120-A Old Samson Road, Brgy. Apolonio Samson, Balintawak, Quezon City.

Sa ulat, alas-5:40 ng hapon nang madakip si Yu sa Manila Marriott Hotel, Resort Drive, Pasay City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Quezon City Regional­ Trial Court Judge Madonna G. Echiverri, ng Branch-81, Quezon City, dahil sa kasong estafa.

Si Yu ay dating hepe ng Manila Disaster Ma­nagement Risk at acting­ governor ng Rotary Phili­ppines.

Sa record ay sinampahan ito ng kasong estafa matapos mag-isyu ng bouncing check na may petsang Diyembre 22, 2016 na may hala­gang P90 milyon.

Sinampahan din ng kaso si Yu ng pamemeke ng dokumento at ini­syuhan din ng arrrest warrant ng Manila Metropolitan Trail Court ng branch 27 ng kasong criminal.

Dahil sa mga kinakaharap na kaso ay walang inirekomendang piyansa ang korte laban kay Yu. ­(Armida Rico)