Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Negosyante timbog sa karnap na tsekot

0 153

Isang negosyante ang dinakip nang marekober sa kanyang pag-iingat ang isang kinarnap na sasakyan matapos aksidenteng mabuntutan ng tunay na may-ari sa Quirino Highway, Barangay Sto. Cristo, San Jose del Monte City, Bulacan, Huwebes ng hapon.

Ayon sa pulisya, nakilala ang suspek na si Jeffrey Cruz, businessman ng Bagong Silang, Caloocan City na nahaharap sa kasong kriminal matapos marekober sa kanyang posesyon ang isang sasakyan na kinarnap at pag-aari ng biktimang na nakilala sa pangalang Mr. Devera, ng Barangay Pajo, Meycauayan City.

Alas-5:00 ng hapon noong Huwebes nang maispatan ni Devera ang puti niyang MIRAGE G4 na may plate number CAE 4206 sa Barangay Loma De Gato, Marilao gayong nakaalarma ito matapos makarnap noong September 15, 2020. Dito’y lihim niya itong sinundan at pagdating sa Barangay Muzon, San Jose del Monte City ay isinumbong sa nakahimpil na police patrol.

Itinuro naman ng naarestong negosyante ang isang Noemi Rondilla na siyang nagbenta sa kanya ng kotse. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.