Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Negosyante tinumba sa Cavite

0 239

Patay ang 59-anyos na negosyanteng Chinese national nang pagbabarilin ng isa sa dalawang suspek na lulang ng motorsiklo, sa harapan ng kanyang tindahan sa Alfonso, Cavite.

Namatay ospital ang biktimang si Lai Li Ng Ong, may-ari ng Golden Warriors Trading at residente ng Brgy. Poblacion IV, Marahan dahil sa tama ng bala sa katawan.

Sa ulat, alas-7:30 Miyerkules ng umaga nang naganap ang pamamaril sa biktima sa harapan ng kanyang tindahan sa Brgy. Marahan 1. Ipaparada sana nito ang kanyang ng sasakyan nang lapitan siya ng mga suspek. Binaril ng angkas si Ong saka agad na tumakas.

Iniwan ng mga ito ang motorsiklo may isang kilometro ang layo mula sa pinagyarihan ng krimen. Sa pagsusuri ng pulisya, natukoy na ang ginamit na motorsiklo ay hindi na pala hawak ng may-ari nito dahil nahatak na ng kompanya dahil hindi nito nababayaran. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.