Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Negosyante todas sa 3 kawatan

0 69

Tinutugis ngayon ng Manila Police District (MPD) ang tatlong holdaper na nanloob at pumatay sa isang negosyante, kamakalawa ng umaga sa Singalong, Malate, Maynila.

Sa imbestigasyon ng MPD-homicide section, tinatayang nasa P100,000 at mamaha­ling cellphone ang natangay mula sa biktimang si Rodrigo Nuneza Arizo, 52-anyos, ng 2224-B, Singalong St., Malate.

Nabatid na alas-5:40 ng madaling-araw nang dumating ang tatlong suspek na armado ng baril sa tindahan ng biktima.

Sinabi ni Elona Mae Yanggo, 25, stay-in tindera ng biktima na habang nagbabantay siya ng tindahan ay dumating ang mga salarin na sakay ng dalawang motorsiklo at pawang nakasuot ng mga itim na helmet, jacket, t-shirt at short pants at biglang inagaw ang cellphone niya.

SM food to go Banner Ad

Inutusan ng isa sa mga suspek si Yanggo na umakyat sa itaas ng bahay at kunin ang cash sa kuwarto ng biktima.

Nakita umano ito ni Arizo kaya kaagad na pumasok sa silid at ini-lock ang pinto at naglagay pa ng mga barikada dahilan upang mahirapang makapasok ang mga suspek.

Binaril naman ng isa sa mga suspek ang pintuan at saktong tinamaan sa dibdib ang biktima.

Dinala sa Manila Medical Center si Arizo pero hindi na umabot nang buhay. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.